Archive for matthew

Anawangin

Posted in outing with tags , , , , on March 18, 2012 by abetgonzales

Isa na naman karumal-dumal na outing ang nangyari with Aubrey, Cireen, Michelle, Charmaine, Arra, Mark and Johnver.

Trekking from Pundaquit

Nagdilim lang naman ang paningin ko sa almost 3 hours na trekking namin. normally, 4 hours dapat ang pag-akyat  pero sa salamat sa bibo namin mga tour guides na may pagkasadista yata at allergic sa pahinga. Halos lumawit na ang baga namin sa hingal at tunay ka naman nakakapanghina ang umakayat sa mabatong bundok. Salamat na rin at hindi masyadong tirik ang araw noong paakyat kame. Pero nung pababa na, grabe lang ang init ng mga bato, buhangin, graba at lupa. Bumigay pa ang tsinelas ko mismong pagbaba namin ng bundok. Pag dating namin sa beach, sulit ang pinagpaguran na akyat. Bukod sa maganda ang beach masarap ang food (kahit wala akong ganang kumain dahil sa pagod)!

Trekking to Southside Cliff

Syempre ang una kong tanong, “Pedeng mag-cliff dive?” Hindi agad sila nakasagot, pero sabi ng mga tour guides, pede naman. Lalo akong naexcite. Nakakawalang gana lang at nakakasira ng mood yung dinaanan namin na hanggang mababa-ng-konte-sa-singit na tubigan. Dati daw yung lubluban ng kalabaw. Halata naman sa kulay ng stagnant water. Pero wala na kaming maggawa, “bawal ang primadona” sabi nga sa tour guidelines.  Sa kabutihang palad, malayo pa kami sa paanan ng bundok, nakita na agad ni Rian na sarado ang dadaanan namin kaya umalis na kami sa tubigan at sa pangpang na lang dumaan. Buwis buhay na naman ang trekking na yun! Mas maikli nga ng di hamak ang akyat na ito kase mga 15-20 mins lang ata ay nasa tuktok na agad kami (or na practice lang ng sagadan sa unang trek) pero mas nakakatakot ang akyat na ito, dahil literal na gumagapang kami paakyat. may halong rock climbing pata ang daan sa Southside cliff (eksaherada ang rock clibming pero gumapang talaga kami). Sa tuktok, makikita ang dinaanan namin nun unang trek pata ang shore line ng beach na pagsstayan namin. Maganda! Plus almost sunset pa nung pumunta kami kaya lalong Maganda! Kaso hindi naman kaya magcliff dive.

*waiting for pics for grab kina arra

Socials

Barcardi c/o Obi ang aming manawid uhaw noong gabi pagkatapos ng wagas na dinner. At hindi pinatawad ang aming mga tourguides sa Bobo game/lasing bobo/category game. Bumenta ang categories na:

  • power puff girls ni Mat dahil walang kilala ang kasunod nyang si Luigi
  • kulay na nagsisimula sa M ni Aubrey na lahat ng kulay ay peding magsimula sa M

Pagkatapos Empreraning na ang tinira namin, tulugan na ang karamihan sa amin pero natira kami nina Obi at Cy sa inuman, nakikipag kwentuhan at nakipagpalitan ng jokes. Dahil may varsity kame sa jokes na itago natin sa pangalang Justin Bibo na bawal mabasa ang bangs habang naglalangoy, naspoil ang karamihan ng jokes na baon ng tour guide namin. At kung ang jokes nila e bago sa pandinig, mageeffort talaga muna na sumagot sina Cy at Obi mapanindigan lang ang pangsspoil. Hindi rin mawawala ang banatan before lunch nung Sunday habang nagpupusoy. Seryoso ang pusoy na ito dahil ulam for lunch ang nakapusta dahil may kalaro silang taga kabilang group. Mga bitchy lines pa muna ang sinimulan ni Aubrey hanggang sa naging malaswaan.

  • mangga ka ba? muka kang kalabaw e
  • mangga? Indian mango (insert something racist) hehehe
  • ketchup? Masarap kang sawsawan ng hotdog
  • pinto ka ba? gusto kitang pasukan at labasan
  • Chicharon? ingay mo kase pag kinakain
  • estatwa? gusto kitang galawin
  • lamesa? gusto kitang patungan
  • Finale ni Aubrey, na tumabla for all eternity kay kuya. canal ka ba? tanga lang mahuhulog sayo

*will add more pag naalala pa

Ay nagmallows pala muna kami sa bampayr bago nagpakawasak. Mallows and crackers never fails.

At nagblack out ako sa buhanginan, tinulugan ko ang kakwentuhan kong sina Luigi at Natalie.

Capones

Batuhan ang dalampasigan ng Capones at nagpadulas dulas sina Aubrey at Cy after kami ibaba ng bangka sa hanggang bewang na tubig. Kitang kita ang kalawakan ng dagat sa Capones. Mainit akyatin pero ayun, maganda naman kaya ok na din! May abandonadong bahay at light house. At may hindi kagandahang presensya sa light house na yun. Pero ok lang, matao naman nung nagpunta kame.

Side Stories

Friday morning till around 4: panaka naka ang message ko kina cy, obi at mich para sa paggogrocery that night. pati kina arra at mark dahil sa bahay sila matutulog.

5pm: nagmeeting sa office at naassign ako sa bagong project. ang malala nito, kelangan ko magOT ng friday at saturday. so nagback out na ako sa weekend trip na ito.

6-7pm: Nakikipagpaliwanagan sa kung anong mangyayari sa trip ng wala ako. huling habilin kina Cy at obi. Nakikipag bargain pa kay Hansen si Cy na sya na lang ang sumama kapalit ko.

10pm: Dumating na sina Arra at Mark sa bahay. Dahil backout na nga ako, sa bahay na lang sila muna,uuwe ako pag aalis na sila papuntang SM North. Habang kumakain kame, nag-iisip kame ng way para magpaalam na sunday after na lang ako papasok instead na sabado.

11pm: Naggrocery na kame nina Cy, Mark, Arra, Mich. At nakaisip na kame ng solusyon sa problema. Lagari mode on.

1130pm: Nagpaalam ako sa producer ko. PUMAYAG!! Ang saya ko lang!!

3am: Umuwe ako from office, para kaunin sina Mark at Arra! Anawangin mode na!!

Ayun lang naman, magtrekking ng walang tulog ay hindi advisable. Nakakapanghina.

Future Reference

Dahil nagenjoy ako personally sa services ng tour guide natin, kung babalik ulit ako dun, dito na ako maglalagay ng reference.

pinoy.caravan@yahoo.com – Guideline 12: Flirt with our tour guides at your own risk.

Tour Guides: Ri-an, Mat, Efren and Luigi.

*insert fb fan page link

Lasing Bobo

Posted in jokes, random with tags , , on December 9, 2011 by abetgonzales

Laro ito kapag inuman, magbibigay ng category ang isa sa mga players tapos sunod-sunod na sasagot lahat. Ang hindi makasagot shot.

Last Tuesday, kahit maulan, pumunta kase ng Toyz. Aba, parang nirent ang buong place, kame lang ang tao. Boring kase kame lang, pero masaya din kase kame lang. Tapos change venue kame, sa Central naman. Ayun na ang malalang lasing bobo game.

Mga bayan sa Batangas: Tanauan, Malvar, Lipa, Batangas, Lucena! (Quezon na yon kuya)

Kulay na nagsisimula sa M: Magenta, maitim, mamula-mula, mamink-mink (pwede rin mapusyaw, madilaw)

Bansa na nagsisimula sa C: Canada, Corea

Movies ni Jason Statham: Transporter, The Expendables, Transporter 2, Transformer 3, The Incredibles 2 (nabingi na lahat)

Movies ni Sharon Cuneta: Noooo!!!

 

Nothing beats the time spent with these people. *ANUHAN NA*

Posted in happiness, happy, outing with tags , , , on April 28, 2010 by abetgonzales

This slideshow requires JavaScript.

This is definitely the escapade we were looking for. The place was so nice and price was definitely friendly and beyond satisfactory *as compared to the galera trip*.

Nagkayak kame, snorkeling, hiking, volleyball at “obstacle race”.

Snorkeling: MAJOR FAIL. Wala akong nakita kahit isang isa. Isang coral na mukang patay na, yun lang ang nakita ko.

Volleyball: EPIC FAIL. Anong volleyball naman ang kaenjoy enjoy kung malambot ang bola.

Obstacle Race: So-so lang. Hahaha. Pero totoo, nagenjoy ako sa obstacle race. Ay kulang, Pictorial sa obstacle race.

Kayak: Not so excited about it. Meron ako nito sa hacienda namin. LOL. Maalon nung magkayak ako, kaya masakit sa katawan. Pero masaya. Lalo na ung thought na anytime e pede ako tumaob kase malakas ang palo ng waves at wala akong lifevest.

Banana Boat Ride, eto, dinaig pa ang thriller suspense action comedy movie. Sino ba naman ang hindi kakabaduhan at manghihinayang kung hindi namin magagamit ang compliment tickects ng banana boat. Well, that was 9.30 nung pumunta kami sa area ng water activities and it just so happen na yung mga Acer pips pala e last day na rin at magbabanana boat din. At hindi lang isa, kundi tig dadalawang ikot silang lahat. pang 27-28-29 kami sa list at number 7 pa lang ang tinatawag that time. So kame, relax relax lang. Swim-swim. Enjoy-enjoy sa tubig kase last day na namin. Habang nasa floater kame ni Jessa, coincidentally, may nakita siyang kakilala. Nasa isip ko,

Abet: “Sa sobrang remote ng island na to. Walang public transpo. Milya milyang layo sa Manila at lalo sa Batangas, may nakita kang kakilala?!”

Jessa: “Kuya…*insert name here* ? ”

Kuya: “Ui! Hi! Sinong kasama mo!”

Blah blah blah. Tuloy lang ang usap nila habang ako, nagsusunog ng likod. Enough for that part of the trip. Blog ko to. Haha!

Going back sa Banana Boat. 10.45 na at nasa 15-18 pa lang ang tinatawag. Hala! Hindi na ako nageexpect. By 12.30 dapat naka check-out na kame, kase 1.30 aalis ang ferry. Tapos naupo na kame sa may mga lifevest, sa tabi ng na

NOTICE: Banana Boat Ride cut-off time: 11:00 am. Will resume at 1.30.

Kaboom. Pano na to. Sayang naman ang binayaran namin 3 other tickets. Sayang ang libreng tickets. Sayang ang pagkakataon. First time na kasama ko sila magbanana boat. Sayang talaga. Dinaan namin sa kwentuhan ang 2 nagbabantay sa banana boat. Dinaan sa charm, wits and guts. Nakipagcompromise. Nagbigay ng conditions. Nagmakaawa.

1. Hindi na po kame sasakay ng banana boat, makapagpicture lang sa chariot.

2. Sabayan na po kame magshoshower mamaya kung pasasakayin nyo kame sa banana boat wag lang malate sa check out at hindi maiwan ng ferry.

3. Isang ikot lang po talaga.

4. Hindi na po kame magpapataob para mabilis lang talaga.

Eventually, pinasakay din nila kame. Ang saya talaga. Kaya naman, suffer the consequences kame afterwards. Sabayan naligo para lang mabilis. Mayat maya ang tawag ng receptionist para magcheck out. Dali daling naglunch. Tapos late pala makakaalis ung ferry. At napaaway pa sa coast guard. Over-loading daw. FTW! Masyado na kaming pagod para sumali sa kaguluhan. Kaso masyado kaming malapit sa entrance para hindi pansinin ang kanilang mataas na boses na usapan. At may paimportante pa! Kesyo big group daw sila kaya dapat binigyan ng special prioritization. Aba. Deadma. Antok na kame para patulan kayo. Haha.

Moving forward.

The Chiquita experience was the best for me.  Panalo ang hiking experience na to kase when we knew there’s a “canyon” in the island, we were very excited. But, we decided to schedule to when Jessa arrives.  Para naman may mga Island experience sya na kasama kame at kame na kasama sya. Tapos, nung papunta na kame sa “canyon” may mga left turns at right turns pala sa daan. So to make sure we dont get lost, nagtatakbo ako sa isang bahay para magtanong. Habang papalapit ako sa bahay, nakita ko ang isang babae na nakaupo sa may labas ng bahay na dalidaling tumayo at tumakbo papasok ng bahay. Ako naman, tuloy tuloy ang takbo papalapit, nang bigla siyang dumungaw sa pinto, sabay sigaw,

Girl: “Wag ka lalapit! Dyan ka lang.”

Naaning ako. Parang natunaw ang utak ko sa sobrang pagkabigla. Nasa isip ko,

Abet: “What the hell. Magtatanong lang ako!”.

Sumigaw ako,

Abet: “Magtatanong lang po. Pede po magtanong?”.

Girl: “Ano yon?”

Sa sobrang ka sabawan ko sa nangyare, humarap ako sa mga kasama ko,

Abet: “Ano raw tanong ko!”

Eventually, tinuro nya na yung “canyon” ay nasa kaliwa, at ang Chiquita ay nasa kanan. Naguluhan kame kase kung ang “canyon” ay nasa kaliwa, bakit ang papunta sa Chiquita, nasa kanan. Pinagpalakaran na lang namin ng isip na baka over-looking lang ang Chiquita kung nasa “canyon” kame.

Sige lakad ng lakad papunta sa “canyon”. Sa daan na masukal, may mga barracks na mukhang ginamit nung WW2. Creepy. Pero tuloy. Siko to siko ang lakad. Hanggang narating namin ang dulo at nagulat sa dinatnan. Dead END. Ang “canyon” na sinasabe pala nila ay warfare na kanyon. As in tulad ng makikita sa Bataan. Bagsak ang mga loob na bumalik sa daan malapit sa bahay ng tinanungan. Siko to siko ulit ang lakad habang lumalampas sa WW2 barracks.

Ngayon, sa kanan na kami dumaan. Ito na ang daan pa punta sa Chiquita Island. Yehey, walang nang ibang likuan, pero habang tuloy ang lakad namin, papasok pala ng papasok sa gubat ang tinatahak namin. Palubog na ang araw, malago ang mga puno. Siguradong OKATOKAT ang paglalakad namin pabalik kung mahaba habang lakaran ang papunta sa Chiquita. Makailang saglit pa, nakakarinig na kami ng tubig. Wiiiii. Sumaya na rin ang mood ng lahat. Unti unti na rin kame lumalabas sa gubat. *walang nagpicture sa gubat sa dahil okatokat lahat*.

The trip was really a stress relief. Just when I need it the most. Kaya sobrang sulit ang trip na ito. Next trip: Splash Island/Tierra Salva Resort. Obi, Mark and the rest ng Mattheans na graduate ngayon year, magparamdam na ng Thanks Giving. Wag na mahiya, magpaouting na!

gala galera

Posted in dream, happy, random, weekends with tags , , on May 5, 2009 by abetgonzales

Indeed we conquer our fears!

Almost everyone in random, either whisper or out loud, was asking should we go or not. It was a rainy Thursday last April 30 and we have a scheduled getaway by that date. In the news, three low pressure areas were visible over the Philippine Island specifically over Mindoro – which happened to be that day’s destination. How lucky we are! We all thought. It was a long due getaway and of all the dates the rainy day of summer would come, its the date we set for the much awaited, much anticipated reunion slash bonding slash treat slash gala.

But all was set and everyone, in the back of our minds, would like to push through with the outing. Then Yani bursted, wag na sumama kung hindi buo ang loob! Then everyone decided to go to Batangas Port and see the weather condition there ourselves. And from there we shall decide whether or not push through.

To make the long story short, Batangas Port was in not so fit condition for travel but it is notably tolerable. No rain, just drizzles. No strong wind blowing which implies no waves in the sea! Perfect coincidence! We have decided! Puerto Galera, here we comes!

It was past 1pm when we arrived at White Beach Shore. Hungry as we are, we still cant hide our excitement. We ate. Then we unpacked. Then we dressed on our beach wear. Then we started the fun! There’s par-tay. As always, Obi made us all laugh! His predictions are coming into reality. Who hadnt feel goosebumps as MP won by KO in 2nd round! Obi, say your prayers! You’ll have 2 out out 9 (unsure) sane kids. Elma, youll have to pay for Jay’s vasectomy or else. Jessa, you have 10 more BFs! Arra, Mark, just invite us. Start saving coz before your 25th, youll be married! How sweet! Shayne, treat us when you pass the board! Yani, youre leaving the country! Pasalubong! For some reason, I cant remember other predictions on you. Were you invisible that night? Joke. Yani, so happy for you!

Its not yet the last trip well have. Right? Hope theres more to come and theres more to come with us!

dsc08614

galera

Posted in weekends with tags , , on April 27, 2009 by abetgonzales

This weekend, i’ll be expecting an ultimate party with my closest HS friends – Yani, Arra, Mark, Jovi, Elva, Shayne, Jessa, Elma and Krimzl. It’s our first time to go out of town for an escapade. Our destination? An approximately 2 hours away from home, Puerto Galera. It’s also our first time to go Puerto Galera together due to some parental authorities and financial constraints.

I just cant hide my excitement and I am totally happy. Although one thing, I cant keep up with them on drinking booze which I was suppose to sponsor. Its my stomach flu thats keeping me from enjoying the much awaited par-tay!

We’ll do snorkeling, perhaps banana boat, but definitely we’ll do any bonding activity we can extract from the white sands of Mindoro!