Archive for capones

Anawangin

Posted in outing with tags , , , , on March 18, 2012 by abetgonzales

Isa na naman karumal-dumal na outing ang nangyari with Aubrey, Cireen, Michelle, Charmaine, Arra, Mark and Johnver.

Trekking from Pundaquit

Nagdilim lang naman ang paningin ko sa almost 3 hours na trekking namin. normally, 4 hours dapat ang pag-akyat  pero sa salamat sa bibo namin mga tour guides na may pagkasadista yata at allergic sa pahinga. Halos lumawit na ang baga namin sa hingal at tunay ka naman nakakapanghina ang umakayat sa mabatong bundok. Salamat na rin at hindi masyadong tirik ang araw noong paakyat kame. Pero nung pababa na, grabe lang ang init ng mga bato, buhangin, graba at lupa. Bumigay pa ang tsinelas ko mismong pagbaba namin ng bundok. Pag dating namin sa beach, sulit ang pinagpaguran na akyat. Bukod sa maganda ang beach masarap ang food (kahit wala akong ganang kumain dahil sa pagod)!

Trekking to Southside Cliff

Syempre ang una kong tanong, “Pedeng mag-cliff dive?” Hindi agad sila nakasagot, pero sabi ng mga tour guides, pede naman. Lalo akong naexcite. Nakakawalang gana lang at nakakasira ng mood yung dinaanan namin na hanggang mababa-ng-konte-sa-singit na tubigan. Dati daw yung lubluban ng kalabaw. Halata naman sa kulay ng stagnant water. Pero wala na kaming maggawa, “bawal ang primadona” sabi nga sa tour guidelines. ┬áSa kabutihang palad, malayo pa kami sa paanan ng bundok, nakita na agad ni Rian na sarado ang dadaanan namin kaya umalis na kami sa tubigan at sa pangpang na lang dumaan. Buwis buhay na naman ang trekking na yun! Mas maikli nga ng di hamak ang akyat na ito kase mga 15-20 mins lang ata ay nasa tuktok na agad kami (or na practice lang ng sagadan sa unang trek) pero mas nakakatakot ang akyat na ito, dahil literal na gumagapang kami paakyat. may halong rock climbing pata ang daan sa Southside cliff (eksaherada ang rock clibming pero gumapang talaga kami). Sa tuktok, makikita ang dinaanan namin nun unang trek pata ang shore line ng beach na pagsstayan namin. Maganda! Plus almost sunset pa nung pumunta kami kaya lalong Maganda! Kaso hindi naman kaya magcliff dive.

*waiting for pics for grab kina arra

Socials

Barcardi c/o Obi ang aming manawid uhaw noong gabi pagkatapos ng wagas na dinner. At hindi pinatawad ang aming mga tourguides sa Bobo game/lasing bobo/category game. Bumenta ang categories na:

  • power puff girls ni Mat dahil walang kilala ang kasunod nyang si Luigi
  • kulay na nagsisimula sa M ni Aubrey na lahat ng kulay ay peding magsimula sa M

Pagkatapos Empreraning na ang tinira namin, tulugan na ang karamihan sa amin pero natira kami nina Obi at Cy sa inuman, nakikipag kwentuhan at nakipagpalitan ng jokes. Dahil may varsity kame sa jokes na itago natin sa pangalang Justin Bibo na bawal mabasa ang bangs habang naglalangoy, naspoil ang karamihan ng jokes na baon ng tour guide namin. At kung ang jokes nila e bago sa pandinig, mageeffort talaga muna na sumagot sina Cy at Obi mapanindigan lang ang pangsspoil. Hindi rin mawawala ang banatan before lunch nung Sunday habang nagpupusoy. Seryoso ang pusoy na ito dahil ulam for lunch ang nakapusta dahil may kalaro silang taga kabilang group. Mga bitchy lines pa muna ang sinimulan ni Aubrey hanggang sa naging malaswaan.

  • mangga ka ba? muka kang kalabaw e
  • mangga? Indian mango (insert something racist) hehehe
  • ketchup? Masarap kang sawsawan ng hotdog
  • pinto ka ba? gusto kitang pasukan at labasan
  • Chicharon? ingay mo kase pag kinakain
  • estatwa? gusto kitang galawin
  • lamesa? gusto kitang patungan
  • Finale ni Aubrey, na tumabla for all eternity kay kuya. canal ka ba? tanga lang mahuhulog sayo

*will add more pag naalala pa

Ay nagmallows pala muna kami sa bampayr bago nagpakawasak. Mallows and crackers never fails.

At nagblack out ako sa buhanginan, tinulugan ko ang kakwentuhan kong sina Luigi at Natalie.

Capones

Batuhan ang dalampasigan ng Capones at nagpadulas dulas sina Aubrey at Cy after kami ibaba ng bangka sa hanggang bewang na tubig. Kitang kita ang kalawakan ng dagat sa Capones. Mainit akyatin pero ayun, maganda naman kaya ok na din! May abandonadong bahay at light house. At may hindi kagandahang presensya sa light house na yun. Pero ok lang, matao naman nung nagpunta kame.

Side Stories

Friday morning till around 4: panaka naka ang message ko kina cy, obi at mich para sa paggogrocery that night. pati kina arra at mark dahil sa bahay sila matutulog.

5pm: nagmeeting sa office at naassign ako sa bagong project. ang malala nito, kelangan ko magOT ng friday at saturday. so nagback out na ako sa weekend trip na ito.

6-7pm: Nakikipagpaliwanagan sa kung anong mangyayari sa trip ng wala ako. huling habilin kina Cy at obi. Nakikipag bargain pa kay Hansen si Cy na sya na lang ang sumama kapalit ko.

10pm: Dumating na sina Arra at Mark sa bahay. Dahil backout na nga ako, sa bahay na lang sila muna,uuwe ako pag aalis na sila papuntang SM North. Habang kumakain kame, nag-iisip kame ng way para magpaalam na sunday after na lang ako papasok instead na sabado.

11pm: Naggrocery na kame nina Cy, Mark, Arra, Mich. At nakaisip na kame ng solusyon sa problema. Lagari mode on.

1130pm: Nagpaalam ako sa producer ko. PUMAYAG!! Ang saya ko lang!!

3am: Umuwe ako from office, para kaunin sina Mark at Arra! Anawangin mode na!!

Ayun lang naman, magtrekking ng walang tulog ay hindi advisable. Nakakapanghina.

Future Reference

Dahil nagenjoy ako personally sa services ng tour guide natin, kung babalik ulit ako dun, dito na ako maglalagay ng reference.

pinoy.caravan@yahoo.com – Guideline 12: Flirt with our tour guides at your own risk.

Tour Guides: Ri-an, Mat, Efren and Luigi.

*insert fb fan page link