Malabong Usapan

Tayong mga Pinoy, o kahit sino pang ibang lahi diyan, (kaso hindi naman ata maiintindihan ang salita natin) ay siguradong maraming pagkakataon na may malalabong usapan.

Ipikakikilala ko si Lolo 1. Edad, nasa tamang edad para magkaroon ng apo sa tuhod. Pedeng kunin na ni Lord, pero malakas pa sya kaya pede rin na hindi muna. Maraming anak at apo (hindi na kelangan banggitin kase walang kinalaman sa kwento ang pamilya nya).

Si Lolo 2. Edad, mas matanda kay Lolo 1. Kung tatanungin ako ni Lord, walang kaabog abog, “Opo, Lord kunin nyo na please.”

Isang umaga, naglalakad lakad si Lolo 2 sa kalsada papunta sa direksyon ng bahay ni Lolo 1, na noon ay nasa kalsada din nagmamasid-masid sa lawa na abot tanaw pa ng malinaw nyang mata.

Napansin ni Lolo 1 si Lolo 2, at bumati ng ngiti. Nagpasimula si Lolo 2 ng kwentuhan.

Lolo 2: Ay hindi ko na naalaman kung anong tumama sa putang inang jueteng iyan. *normal ang magmura sa amin. no offense. batangueƱo po.*

Lolo 1: Ay are ngang pusa dine kanina pang ngiyaw ng ngiyaw *ngiyaw=meow*

Tapos ang usapan. Malabo pa sa tubig ng putikan, makiraw pa sa tv na walang sagap ang antena.

Hindi pa natatapos diyan ang kwento ng bida nating si Lolo 1.

Ipinakikilala ko naman ngayon si binatang-kapitbahay. Edad, wala pang bente anyos. Wala pang asawa, (buti naman). Wala nga rin lang trabaho.

Pumunta si binatang-kapitbahay kina Lolo 1 para humingi ng kung ano man sa taniman ni Lolo 1 para sa kung ano man din.

Binatang-kapitbahay: Lolo pahingiin nyo nga ko ako ng talbos ng saging dine sa inyong mga tanem.

Lolo 1: *Mahinahon* Ay oo naman. *Pagalit* Wag laang iyang mga talbos ha.

Binatang-kapitbahay: *Mauutas umuwe ng bahay. Habang daan, hindi na mapigil ang tawa*

Kung bata bata siguro si Lolo 1 at halos kasamahan natin sa mga galaan, kwentuhan at biruan. Laging mababansagan na nakadroga.

Leave a comment